Isang palaisipan.
Napulot ko nga ang sagot, nagkamali naman ako ng itinanong. Samantala, sa kabilang dako ng mundong tahimik, nakikipagbuno ang aking isip sa isang larong kalaban ko ang aking sarili. Larong walang mananalo, larong tila patagalan lamang ng titig na kung sino ang unang malingat, siya ang unang maglalaho.
Nagkamali nga ako ng itinanong, tumama naman ako sa aking akala. Habang nagtatalo ang aking dalawang sarili, nakikipaglaro ang sagot sa apoy: parang gamugamong hindi mahuli-huli’t walang may pag-aari. Isa itong larong walang kinalaman sa akin, ngunit bakit nararamdaman ko ang pagkatalo?
Tumama nga ako sa aking akala, wala naman akong magawa.
Isang palaisipan.
Comments
Leave a Reply
